PAGTANAW / MISYON NG PAROKYA
PAGTANAW
Ang pag-iral ng Sambayanang sama-samang nararanasan ang Diyos at nagkakaisa sa
Pananampalataya at Pagkilos.
MISYON
Ang pagbubuo ng isang pamayanang naka-ugat sa Salita ng Diyos at Misyon ng Simbahan,
tungo sa mabisang pakikipag-ugnay ng bawa’t isa sa pamamagitan ng:
• Paglinang ng buhay espirituwal at mga yamang pandaigdig para sa mga gawang paglilingkod;
• Pagbabahagi ng mga kaloob (charisms) nang may pagkakaisa ng layunin sa iba’t-ibang pamamaraan,
• Pagpapaunlad ng kapatiran batay sa pagkakapantay-pantay ng tao bilang kalarawan ng Diyos.